NEW AGE OF HERBALS
 

HERBA BUENA

PAGLALARAWAN:
        Ang Herba Buena (Mentha Crispa Blanco) ay isang damong gamot na mahalimuyak. Ang tangkay nito'y may taas na 40 sentimetro kalakip ang Pumailanglang wakas ng sanga habang ang dahon naman ay pahaba na may 1.5-2 sentimetrong taas, maiksi ang tangkay, at mapurol o mabilog ang dulo.Namumulaklak rin ito ng mabuhok at kulay biyoletang bulaklak.  

        Ang mga pangkaraniwang pangalan nito'y Herba Buena/Hilbas (Tagalog), Marsh mint/peppermint /Mint (English), Minta/Menta (Italy), Minze (Germany), Karabo (Surigao del Norte), Ablebana (Ifugao).




GAMIT:
Folkloric:
Isa sa mga pinakamatandang paraan ng pagpapagaling ng ng sugat sa bahay ay ang folkric.

Sakit sa Ulo: Ang mga dinurog na dahon ay inilalagay sa nuo.
Sakit ng ngipin: 1. Basain ang kaunitng bahagi ng bulak o cotton with juice ba galing nsa mga dinikdik na dahon. Ilagay ang bulak sa masakit na bahagi ng ngipin. 2. Pakuluan ang anim na tbsp. na may mga dahon sa dalawang baso ng tubig ng 15 minuto. hatiin ang decoctioin sa 2 bahagi at inumin ito tatlo hanggang apat na oras.
Kabag:Pakuluan ang apat na tbsp. and mga hiniwang dahon sa 1 basong tubig nd limang minuto, strain.Inumin ang decoction habang ito'y mainit.

Ubo:Pakuluan ng 6 na tbsp. nag mga hiniwang dahon sa 2 baso ng tubig ng labing-limang minuto; cool and strain. Hatiin ang decotion sa tatlong bahago; Inumin ng isang bahagi ng decotion, tatlong bese sa isang araw.
Rayuma: Painitan ang mga sariwang dahon sa mababang temperatura, at dikdikin. ilagay ang mga mainit na dahon sa mga masasakit na bahagi ng tuhod, at sa iba pa.
Pangmumog:Ibabad ang dalawang tbsp. ng mga hinniwang dahon sa isang mainit na tubig sa pagitan ng tatlumpong minuto;strain. Gamitin ito bilang pangmumog.

Ibang Panggamit :
Ang peppermint oil ay kadalasang ginagamit sa pharmaceutical na paghahanda para sa mga mababahong amoy ng mga gamot o medicine. Kadalasang pampalasa ngconfections at dentrifices.



MGA PARAAN NG PAG-AALAGA:

Paano magtanim ng Herba Buena

  • Magputol ng dalawang sanga na may taas na 10-15 sentimetro at may 3-4 na pares ng dahon. Itanim ang mga ito sa gitna ng dalawang mataas na palayok. Ang Yerba Buena ay tumutubo rin sa mga malilim na lugar. Ang ugat ay lalabas makalipas ang isang linggo.

  • Kung ang Herba Buena ay panandaliang itinanim sa palayok o lata, ilipat ito sa hinandang palayok pagkatapos ng dalawang linggo.



Paano pangalagaan ang Herba Buena

  • Diligan ang bagong tanim para makaiwas sa pagtuyo nito. At alisin ang mga damo na nakapaligid dito.

  • Alisin ang mga sanga o dahon na nasira ng mga insekto o dahil sa mga sakit ng tanim para maiwasan ang pagkalat nito sa buong tanim.

  • Kung gumagamit ng fertilizer, gumamit lamang ng organic fertilizer.

Pag-aani at tamang pagraserba

  • Anihin lamang ang mga gulang at malulusog na dahon.

  • Siguraduhing may tamang mga dahon ang natira sa pananim para hindi matuyo.

  • Ang mga naaning dahon ay patuyuin para ireserba. Ilagay ang mga ito sa silyadong plastic bag o bote na may mahigpit na takip.


     

PAGHAHANDA:

Paghahanda sa “decoction”

Ang dami ng gagamiting dahon ay dapat magkaiba base sa tuyo o sariwa ba at sa kung ano ang gulang ng maysakit.

  • Ang sariwang dahon ay hugasan muna at pagkatapos ay putul-putolin habang ang tuyong dahon naman ay durugin.

  • Kondisyon ng dahon

    Edad ng maysakit; matanda 4 kutsarita-6 kutsarita; 7-12 taong gulang 2 kutsarita-3 kutsarita
  • Pagkatapos mong malaman kung gaano karami ang dahong gagamitin, pakuluan na ito sa 2 basong tubig (mga di-mahigit 15 minuto). Hatiin ang decoction sa dalawang bahagi at kumuha ng isang piraso taga 3 oras.

Pagpapakulo ng “Mixture”

  • Gumamit lamang ng palayok.

  • Ang isang batayang baso ay dapat naglalaman ng 240 ml ng tubig. Ang sukat na ito ay pareho sa laman ng isang bote ng regular na pepsi o coke.

  • Paghaluin ang dahon sa tubig bago ilagay sa apoy.

  • Kapag ang hinalo-halo ay kumulo, tanggalin ang takip ng palayok at pakuluan ito ng mahigit 15 min. Pagkatapos ay salain at palamigin.





 

This website was made to share and give reliable informations about the plant Herba Buena. It was also made with the objective of enhancing the knowledge of those people whose not very familiar with Herbal plants.
Thanks for visiting our WEBSITE!!!
Today, there have been 1 visitors (8 hits) on this page!
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free